Bilang isa sa mga bansang laganap ang kristyanismo, ang pagiging relihiyoso ay hindi na bago para sa ating mga pilipino, ang simbahang Katoliko Romano ay isa sa mga kristiyanismong relihiyon na bumubuo sa kasulukuyang kultura ng Pilipinas. Sa mga nagdaang taon maraming simbahan na ang naitayo sa ating bansa, ang ilan ay mas matanda pa sa mga ninuno natin, at sa bawat lugar na mapupuntahan ay hindi mawawala sa mga gawain ng pilipino ang dumaan at magsimba sa iba’t ibang mga simbahan. Isang malaking parte na sa buhay ng karamihan sa pilipino ang pagsisimba upang mapalapit at makapagpasalamat sa Panginoon kapalit ng mga biyayang naibigay nya sa atin. Sa lungsod ng Malabon, binisita ng aming mga kamag-aral ang dalawa sa mga natatanging simbahan na naitayo rito. Ang San Bartolome Parish Church at Immaculada Concepcion De Malabon Church. Ang mga simbahang ito ay pinaniniwalaang ang pinakamatandang simbahan na naitayo dito sa lungsod ng Malabon. Maraming turista ang bumibisita rito upang masilayan ang angking ganda ng mga simbahang ito. At hindi lamang sa lungsod ng Malabon kilala ang mga nasabing simbahan, ito din ay nakilala sa iba't ibang lugar dahil nga sa mga tao na bumibisita dito. Nakikilala ang mga ito dahil naikukwento ng grupo ng mga tao o magkakaibigan na nagsisimba tuwing araw ng Linggo. Makikita lalo ang ganda ng simbahan tuwing sasapit ang kapiyestahan, nadadagdagan ang mga ilaw na nagtataglay ng iba't ibang mga disenyo, kulay, o palamuti. Unang pinuntahan ng mga manlalakbay ang simbahan ng Immaculada Concepcion De Malabon Church na matatagpuan sa Barangay Concepcion. Ito ang unang napiling puntahan dahil ito ay mas malapit kung magmumula sa Unibersidad ng Arellano kung ikukumpara San Bartolome Parish Church na makikita sa malabon bayan. Noong taong 1899, ang malaking simbahan na ito ay nagawa gamit ang mga materyal tulad ng kawayan at abestos na itinalaga para sa patron ng Immaculate Conception of Mary, Bagama't nagkaroon ng lindol noong 1879, ang imahe ng Immaculate Conception ay hindi inaasahan na maiba, kaagad na din na pinaayos ang simbahan na ito noong 1886, na ngayon ay mas malaki at mas matibay kung ikukumpara sa nauna.

Napansin namin na nais naming masilayan o malaman ang kasaysayan ng simbahan na ito ang magandang ugali na tinataglay ng mga tao sa simbahan tulad ng mga opisyal, pari, madre, youth, choir, janitor, at parish president. Sila ay marunong makisama dahil sa kanilang mga tugon sa binigay na katanungan ng mga manlalakbay. Maliban dito, marami din ang kanilang mga upuan, ilaw, at electricfan na makapagbibigay ng ginhawa sa mga tao na magsisimba. Sa altar naman ay makikita ang mga bulaklak na bago sa paningin ng isang tao dahil hindi ito isang ordinaryo lamang na makikita mo sa altar sa bahay. Iba't ibang kulay na nakabase sa panahon ng simbahan. At ang pinaka importante sa lahat ay ang mga santo, krus, imahe, at iba pang kagamitan sa simbahan na siyang nagbibigay buhay sa isang tradisyunal na itsura ng simbahang katoliko. At ang huli ay ang simbahan ng San Bartolome ay matatagpuan sa Poblacion, Malabon, Metro Manila. Ang unang parokya ng San Bartolome de Tambobong (O mas kilala na ngayon bilang Malabon) ay itinatag ng mga Paring Agustino noong ika-17 ng Mayo, 1614. Ang mga naunang parokya noong mga nagdaang taon ay naitayo noong Mayo 21, 1598 at naging isa sa pamumuno ni Paring Luis Guttierez. At sa taong 1622, Itinayo na ang unang batong simbahan ng San Bartolome sa pamumuno ni Paring Diego de Robles.





Sa pagbisita namin sa simbahang ito ay nasaksihan namin ang angking ganda at tibay ng simbahang ito na halos dumaan na sa mga ilang bagyo ngunit nanatili pa ring nakatayo. Nasaksihan din namin dito ang mga ubod na mababait at madaling malalapitan na mga madre maging ang pari mismo ng simbahan. Ang mga taong madalas ring pumupunta rito ay talaga nga namang may magagandang istorya sa likod ng kanilang mga buhay na nagpapanatili ng kanilang luwalhati at paniniwala sa ating Diyos.

Comments