Bilang isa sa mga bansang laganap ang kristyanismo, ang pagiging relihiyoso ay hindi na bago para sa ating mga pilipino, ang simbahang Katoliko Romano ay isa sa mga kristiyanismong relihiyon na bumubuo sa kasulukuyang kultura ng Pilipinas. Sa mga nagdaang taon maraming simbahan na ang naitayo sa ating bansa, ang ilan ay mas matanda pa sa mga ninuno natin, at sa bawat lugar na mapupuntahan ay hindi mawawala sa mga gawain ng pilipino ang dumaan at magsimba sa iba’t ibang mga simbahan. Isang malaking parte na sa buhay ng karamihan sa pilipino ang pagsisimba upang mapalapit at makapagpasalamat sa Panginoon kapalit ng mga biyayang naibigay nya sa atin. Sa lungsod ng Malabon, binisita ng aming mga kamag-aral ang dalawa sa mga natatanging simbahan na naitayo rito. Ang San Bartolome Parish Church at Immaculada Concepcion De Malabon Church. Ang mga simbahang ito ay pinaniniwalaang ang pinakamatandang simbahan na naitayo dito sa lungsod ng Malabon. Maraming turista ang bumibisita rito upang ma